Sa totoo lang nahihirapan ako na
ihayag kung ano talaga ang aking mga nararamdaman (lalo na kung kailangan sa
pagsusulat), at pansin ko din tuwing nakikipag-kwentuhan ako sa aking mga
kaibigan, o sumasagot sa mga tanong nang guro ko napaka-konti nang mga salita
na iniiwanan ang aking bibig. Sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko alam ang
dahilan kung bakit, ngunit sa loob ko, nakikita ko ang sagot. Nakikita, hindi nasasabi. May mga bagay
kung saan lahat tayo ay nakatingin ngunit ang nakikita natin ay hindi
magkapareho, at kung hindi rin tayo mahusay sa pag gamit nang wika (atin man o
mula sa iba) nahihirapan rin tayo ihayag sa mga iba ang ating nakikita. Bukas
ang mata ko pero sarado ang isipan. Tama si Orwell sa kanyang piyesang
“Politics and the English Language” na minsan mas madali na iwanan sa kamay
nang mga salitang halos wala nang koneksyon sa diwa nang gusto mong ipahayag
dahil hindi mo wawasakin yung utak mo kaka-isip nang isang imahe. Pero hindi ba
mas maganda na huminto at mag isip kung ano ang nais mo sabihin sa
pinakamalinaw na paraan imbis na maging parang manghuhula na nambabato lamang
nang mga malabong prediksyon?
Ilang beses din na ako tumututok
(sadya man o hindi) sa mga istasyon nang balita kung saan ang host ay nakikipag-usap
sa isang politiko o opisyal at kung nagiging partikular na ang mga gustong
malaman nang host nababaha ako ng mga salitang hindi ko maintindihan na jargon
imbes na sabihin nila na “oo nagkamali kami sa (X)”. Ngayong linggo marami
akong dapat isumite na papel at pagsulat, ngunit nasa ugali ko naiwasan sila hanggang
sa huling sandali dahil nahihirapan ako mag isip kung paano ito maitutupad,
pero ngayong umaga ko lamang hinarap ang katotohanan na hindi ko binibigyan ang
sarili ko nang tamang panahon (binibigay, hindi lamang inaantay na tamaan ako)
upang umupo, buksan ang MS Word, at suriin mabuti at ihanda ang aking mga imahe
sa utak upang maging sulat sa papel. Mula doon, haharapin ko na ang hamon sa
sarili ko tulad nang isang batang hindi marunong lumangoy na kailanan sumisid
sa isang dagat upang makakuha nang perlas mula sa isang talaba. Pero mas
mabilis ko matututunan magsulat kaysa mag-langoy.
Guhit ni Mike Donaldson |
No comments:
Post a Comment